PARA SA MGA COMMUTERS
Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom.
Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina:
Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.
Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi.
APRIL 2011 ATA ETO KUMALAT
========
O ETO PA!! PAREHONG ISTORYA PERO NGAYON NURSE NA HINDI NA MATANDA!! ATSKA LAST YEAR (JULY~AUGUST 2010) PA ETO KUMALAT:
Kanina nagkwento yung classmate ko sa nangyari sakanya kagabi. Pumunta kasi sila ng tita niya sa Junction. Pero umuna na siya ng uwi kasi may allergy siya saka papasok pa nga siya kinabukasan. Sumakay daw siya sa jeep, nung una. Dalawa lang sila. Siya saka daw isang babae. (Maganda tas maputi saka medyo mayaman tignan. bata pa daw, mga 17-19) Tapos, may sumakay daw na dalawang lalaki. Pinagitnaan yung babae na nasa harap niya. Tas ginigitgit daw, eh samantalang apat lang naman sila sa jeep. Nung medyo nakalayo na sila sa junction, Prumeno daw ng sobra yung jeep tas yung babae, imbis na patagilid, paharap daw naano. Tumama pa daw sa tuhod ng classmate ko yung ulo ng babae. Don na daw siya kinabahan. Tapos, maya maya may sumakay daw na nurse. Tapos nung magbabayad na dawyung nurse, napatingin yung nurse don sa 3 sa kabilang side. Nilapitan daw siya ng nurse tapos pinilit siyang bumaba. Sumama nalang yung classmate ko kasi daw mukhang takot na takot yung nurse. Nung pagbaba, nagtanong yung classmate ko kung bakit daw sila bumaba, ang sabi ng nurse sa classmate ko. “Hindi mo ba napansin yung babae, patay na? may icepick na nakasaksak sa tagiliran niya. Buti nalang nakita ko agad.” Hindi daw napansin ng classmate ko kasi naktingin siya sa may bintana.
Buti nalang sumakay yung nursre tapos napansin agad. kung hindi, baka kung ano na nangyare sa classmate ko. Atleast safe siya, pero kawawa naman yung babae. Ingat tayong lahat!
========
ETO PA!! HINDI MASYADO PAREHO ANG ISTORYA PERO PAKIRAMDAM KO DITO NAGKAROON NG IDEA ANG GUMAWA NG KRIMEN O NAGIMBENTO NG ISTORYA, DAHIL LAST YEAR (2010) DIN ITO ISINULAT APRIL 29, 2010:
because i can write in filipino
just trying my hand at some creative non-fiction in filipino. actually, the core of this is from a story i've been told. the details, i just filled in.
****
Byahe
mahaba nanaman ang pila sa sakayan.
tanghaling-tapat at naluluto na ako sa ilalim ng naglalagablab na araw, ngunit tinitiis ko 'to. kailangan ko itong gawin. kaya pumila ako. nag-abang ako. hinintay kong mapuno ang sasakyan. hindi ako komportable. sino ba naman ang magiging komportable kung higit pa sa talagang kakayanin ng jeep ang pinapasakay? siksikan nanaman. naipit ako sa gitna ng dalawang babae. sa kaliwa, pikit na ang mata. nakatulog na sa kakahintay. kahit anong tulak ko ay hindi siya magising. sana man lang ay umusog pa siya ng konti. hindi rin maayos ang upo ng katabi ko. may kausap siya sa kanyang telepono. hindi ko naman maiintindihan kung bakit kailangan niyang makipagsigawan sa nasa kabilang linya. wala akong intensyong malaman ang kanilang pinagtatalunan, at wala rin akong pakialam. sa harap ko, dalawang magkasintahan. naglalampungan sila, parang walang ibang kasabay sa jeep. sa isang dulo mayroong mag-ina. umiiyak ang bata, marahail sa pagkabalisa niya. marami pang ibang biyahero sa loob, ngunit hindi ko na sila pinansin. kanya-kanya ang bawat pasahero, pareparehong napipilitang ipabahagi ang kanilang sariling espasyo pare sa mga estrangherong walang pakialam at respeto sa personal na lugar. nilunod ko na ang sarili ko sa aking patugtugan, umaasang matapos na agad ang paghihirap na ito.
traffic nanaman. may inaayos na tubo sa may kabilang kanto. hindi makausad ang ibang sasakyan. mainit ang ulo ng lahat. tiniis ko na lang ito, umaasang maaayos ito kaagad ng mga mmda, ngunit sa totoo lang, wala namang silang ginagawa para masolusyonan ang problema. hindi talaga maaasahan ang ibang tao. hindi na makapagtiis ang ibang pasahero. isa-isa silang bumaba at onti-unti lumuwag ang jeep. ewan ko ba kung bakit, mas kumportable naman sa loob ng jeep, pero pinili nilang maglakad sa ilalim ng init ng araw. bahala sila.
sa wakas, umusad na ang jeep. matagal rin ang hinintay ko. kakaunti na lang kami sa loob ng jeep, yung babae sa telepono, hindi pa rin niya binababa ito, yung babaeng tulog, yung magkasintahan at yung mag-ina. tuloy-tuloy na sana ang jeep ng biglang tinigil ng driver yung sasakyan, at susunod na nangyari ay kinagulat ng lahat sa loob.
bumagsak ang babaeng natutulog sa sahig ng jeep, may ice pick na nakasaksak sa likod.
hindi ko maalala ang mga sususnod na nangyari. bahagya mga imahe lamang ang pumasok sa isip ko. umiiyak ang bata. humihiyaw ang babae. sinusubukang itago ng lalaki ang malamig na bangkay mula sa kanyang nobya. natataranta ang driver. tumigil ang mundo ko.
walang nakakalam kung kailan pa nangyari ang pagsaksak. walang nakakilala sa babae.
wala akong maisagot sa pulis sa presinto. kahit anong tanong sa akin ay wala akong masabi. hindi ko tuluyang maintindihan ang tunay na nangyari sa loob jeep na iyon. hindi ko alam kung gusto kong maintindihan.
sinundo ako ng aking kaibigan mula sa presinto. walang nagsasalita sa loob ng kotse sa buong byahe. pag-uwi ay dumiretso ako sa kama. inaasahang maitutulog ko na lang ang lahat ng nangyari, umaasang paggising ay .
hindi ako makatulog.
****
i'm not altogether sure if i'm done with the story. i'm just checking if i still have my writing chops for the non-academics. not entirely sure if i want to pursue this or anything. - jocsbonx @ livejournal
======
KUNG TOTOO MAN O HINDI LAGI NALANG MAG PRAY AT MAG INGAT
ang ganda at nakakatakot!!!!!!!!
ReplyDeleteang ganda naman ng kwento mo pwede ka pa bang ma ka post ng maraming horror stories ung tagalog ha kasi i papaprint ko t gawing kung libro
ReplyDeleteisulat mo na rin ung name mo para malagay ko sa publish by:
tamad na akon basahin eeeeeehhhhhhh!!!!!! ang haba!!!!!!!
ReplyDeletenakakatakot pero may tanong lang me syo bakit puro nlang tungkol sa ice pick
ReplyDeleteparang ndi amn 22o ase palaging ice pick ung topiC,,,
ReplyDeleteicepick, isa kasing instrument or tool ang icepick upang makapatay na walang tumutulong dugo.. pinipigilan nito ung dugo na lumabas habang nakaturok pa sa pinagsaksakan. kaya kadalasan itong ginagamit ng mga mamamatay tao, mostly mga holdapers na walang baril..
ReplyDelete