Nabasa ko eto sa isang fanpage sa facebook (PSP Pogi/Pretty Sa Picture, Panget Sa Personal)
Naawa
ako dito, niloko siya ng filipina na pinuntahan/dinalaw niya sa
pilipinas. Kinuha ang pera niya kaya hindi siya makauwi sa bansa niya.
Sana matulungan makabalik ng bansa niya baka maging palaboy/pulubi/taong grasa.
Eto ang message ng kumuha ng pic:
Please Read and Pass!
Ngayon umaga habang nasa NAIA 1 po kami napansin po namin ang taong ito
na French National at isang turista dito sa atin bansa. Inalok ko po
siya ng pagkain at kinausap kung bakit siya natutulog sa NAIA 1. Nalaman
ko po na 25 days na po siya natutulog sa NAIA sa kadahilan bumisita
siya rito sa Pilipinas at may kaibigan isang filipina. Habang siya
natutulog sa isang Hotel sa Makati
nagising po siya na wala na ang kanyang pera at alahas. Iniwan lang sa
kanya ang kanyang Passport at konti gamit at bag. Nagbabayad po siya ng
P25 pesos per night para magkaroon po siya ng tulugan. Dinial ko po ang
cp no na kaibigan niya filipina at naghihingi siya ng tulong pero
naka-off na ang cellphone ng kaibigan niya. Binigyan ko po ng sobra
pagkain namin at P200 at pinangako ko po na tutulungan ko siya makabalik
ng bansa niya. Siya po ay si Francois Xavier. Kung sino man po ang
nakakakilala sa kanya nasa NAIA 1 po siya. At matatagpuan po siya sa mga
upuan sa parking lot ng Arrival.
No comments:
Post a Comment