Friday, April 8, 2011
I Heart You Pare
Regine Velasquez, mawawala na nga ba sa "I Heart You Pare"?
GMANews
Magaling pala sa comedy si Regine Velasquez. Dito sa "I heart you pare" ko lang siya napanood magcomedy.
Hindi ako nagagandahan sa boses ni Regine. Hindi ko din siya gusto dahil dati noong bata pa ako inagaw niya si Ariel kay Gelli de Belen.. pati ata si Janno Gibbs kay Bing, kasi nagalit si Bing noon.. Pero nung may comedy scene sila ni DingDong sa I heart you pare grabe natawa talaga ako. Tapos tinanong ko yung kapatid ko: Magaling pala magcomedy si Regine? Oo daw magaling talaga magcomedy si Regine kahit noon pa.
Ngayong April 11 papalitan na siya ni Iza Calzado.. Hindi daw dahil buntis si Regine, pinayuhan siya ng doctor na magpahinga dahil sa nararamdaman niyang severe migraine attack.
Si Iza gusto ko, ngayon pa lang ata siya magcocomedy sana magaling din siya. Mamimiss ko pagcocomedy ni Regine.
Labels:
Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment