Umiwas sa traffic yung bus driver kaya idinaan sa riles ang bus, sakto namang padaan ang train, nag-panic at tumalon ang ibang pasahero, 2 sugatan.
GMANews
Ang dami namang nagddrive dito sa bansa na hindi alam ang rules sa pag ddrive! Yung iba alam pero ayaw pa rin sumunod!
May nakita ko noon, jeep naman nasa harapan namin, sobrang traffic dikit dikit ang mga sasakyan. Kahit nasa riles na dumikit pa din yung jeepney driver sa sasakyan sa harapan niya kaya nagbabaan ang mga pasahero niya! Nung nakalagpas na siya sa riles atsaka lang nagbalikan yung mga pasahero! Parang tanga lang hindi alam na bawal yung ganoon.
Kapag traffic dami kong nakikita hinaharangan intersection! Bawal kaya iyon! Ayaw magpadaan! Kala mo naman bibilis yung nasa harapan kapag pinagsisikan yung sarili! May mga tanga din na nasa intersection nakita na ngang hindi umaandar ipagsisiksikan pa sarili, nakatagilid tuloy siya at nakaharang!
May jeepney driver pa noon, ng balic-balic|quiapo, para makatipid sa gasolina namasada sila kahit yung nagmamaneho ay tinuturuan palang. Katabi niya yung nagtuturo siguro iyon yung totoong driver. Muntik na ngang makabangga sabog kasi pagmamaneho parang gusto paliparin yung jeep, naka-alalay lang yung nagtuturo kaya hindi nakabangga. wew.
No comments:
Post a Comment