Bakit sa Pilipinas lagi kanta ng amerikano kinakanta? o kanta ng ibang tao?
Bakit kokonti din naglalabas ng original na kanta (album, single)? Bakit puro revive?
Bakit konti ang composer? Bakit kokonti din ang composer na singer? Dami naman magaling mag-english dito.
Walang passion? Tamad? Hindi magaling magsulat ang filipino? Walang tiyaga? Mas gusto easy money? Mas madami pa artista hindi naman magaling umarte.
Sa Japan kasi sariling kanta nila ang kinakanta, minsan kanta ng ibang Japanese, pero bihira sila kumanta ng kanta galing sa ibang bansa.
Yung palabas na Music Station (wikipedia niya) 1986 pa yang palabas sa Japan, buhay pa rin hanggang ngayon.
Bakit hindi sila gumawa ng contest o maghanap talaga ng mga composers.
Nanood ako kanina ng Party Pilipinas, maganda pala boses ni Rachelle Ann Go at magaling pala sumayaw si Barbie Forteza.
Pero..
Sana hindi na pinapakanta yung mga hindi marunong kumanta. Sakit sa tenga at sa brain (kakaisip kung ano maganda sa boses niya at sa kakatutok kung sasablay pa siya).
Nakakatawa din... musical show may hindi kumakanta ng live, lip-sync na nga, inedit na nga, panget pa rin boses. Sana huwag na lang pakantahin yung hindi maganda boses. Masakit sa pandinig. At hindi maganda manood ng nag li-lip-sync.
Si Dennis Trillo dapat hindi na pinapakanta, ang tagal na ata niya nag-aaral kumanta pero panget pa rin boses, wala ng pagasa yun.
Si Jonalyn Viray hindi na maganda boses, puro birit na lang, puro sigaw sigaw..
Ang nagustuhan ko lang talaga sa palabas ay nang kumanta ang Shamrock. Ganda ng bagong kanta niya.. eto:
SANDATA by SHAMROCK w/ lyrics (CAPTAIN BARBELL 2011 OFFICIAL THEME SONG)
Live niya kinanta. Ganda ng boses, medyo nahirapan lang konti sa matataas na nota.
No comments:
Post a Comment